^

Police Metro

3 drug pusher napatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay sa isang drug buy bust operation ang tatlong lalaki na umano ay drug pusher nang manlaban umano ang mga ito sa mga otoridad kamakalaawa sa Talisay City, Cebu.

Kinilala ang mga napatay na suspek na sina Norberto Larigo; Ryan Mana-ay; at Clifford Garcia Rabago.

Batay sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation ang Talisay Police laban sa mga nasabing drug perso­nalities sa Brgy. Tabunoc.

Pagdating sa lugar ay nakatunog ang mga suspek na ang magiging ka-deal nila ay mga pulis kaya’t agad nilang pinaputukan ang mga ito na nauwi sa palitan ng putok na ikinasawi ng mga ito.

Nakuha sa crime scene ang ilang sachet ng shabu, dalawang cal 38 revolver at isang cal. 45 pistol.

Nabatid na ang mga suspek ay pawang notor­yus na tulak ng droga at sangkot din sa gun for hire.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with