^

Police Metro

Zamora tutuldukan ang 50 taon pamumuno ng mga Estrada sa San Juan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Matutuldukan na ang halos 50 taong pamumuno ng mga Estrada sa San Juan”.

Ito ang ipinahayag ni dating San Juan City Vice Mayor Francis Zamora nang maghain ito ng kanyang kandidatura sa pagka-alkalde ng lungsod at makakalaban si incumbent San Juan Vice Mayor Janella Estrada.

Sinabi ni Zamora na matagal nang ipinakita ng mga residente ng San Juan na nais na nila ng pagbabago matapos na lumagda at pumabor sa kanyang inihaing recall protest laban kay incumbent Mayor Guia Gomez noong nakalipas na halalan.

“Matagal nang napag-iwanan ang San Juan. Ito na ang pagkakataon ng mga taga-San Juan na magkaroon ng pagbabago,” ayon pa kay Zamora.

Naniniwala naman ang mga residente ng San Juan na maganda at magiging dikitan ang laban ni Zamora at Janella sa pagka-alkalde ng lungsod sa darating na halalan.

vuukle comment

FRANCIS ZAMORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with