^

Police Metro

Surprise drug test sa mga kandidato

Mer Layson - Pang-masa
Surprise drug test sa mga kandidato
Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino, pabor siyang isailalim ang mga pulitikong tumatakbo sa eleksiyon sa drug test upang ipakita sa publiko na hindi sila gumagamit ng bawal na gamot.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Kung ang pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang masusunod ay nais nilang magsagawa ng sorpresang drug test sa mga kandidato.

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino, pabor siyang isailalim ang mga pulitikong tumatakbo sa eleksiyon sa drug test upang ipakita sa publiko na hindi sila gumagamit ng bawal na gamot.

Gayunman, balewala lamang aniya ang natu­rang proseso dahil alam naman ng mga pulitiko na isasai­lalim sila sa drug test dahil pansamantalang titigil umano ang mga ito sa paggamit ng illegal na droga upang maging negatibo ang resulta ng kanilang drug test.

Ang mas mainam ay isailalim ang mga kandidato sa isang surprise drug test upang hindi nila ito mapaghandaan at talagang mahuli sa akto ang mga lulong sa illegal na gamot.

Anya, maaari itong ­isagawa kahalintulad nang pagsasagawa nila ng surprise drug test sa kanilang mga kapwa opisyal kung saan magpapatawag ng isang pulong, ngunit pagdating nila sa loob ng conference room ay isasarado na ang silid para lahat ay walang ligtas at kinakailangang magsumite ng kanilang ihi upang isailalim sa pagsusuri.

vuukle comment

AARON AQUINO

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with