^

Police Metro

Inmate todas sa pag-agaw ng baril

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang inmate matapos umanong agawan nito ng baril ang isang pulis na nagsasagawa ng inspeksyon sa kanilang selda kahapon ng umaga sa Davao City.

Ang inmate na nasawi ay kinilalang si Rico Jay Labong, may kasong homicide at murder.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-9:15 ng umaga sa loob ng Police Station 3 sa detention cell ng mga lalaki sa Davao City ay nagsasagawa ng pag-iinspeksyon sa nasabing selda ng mga inmate si PO1 Reggie Eleazo nang biglang mang-agaw ng baril si Labong.

Naiputok pa ni Labong ang baril ni Eleazo pero sumablay na kung saan muntik ng tamaan ng bala si SPO3 Richard Dionisio, Chief Investigator na kasalukuyang nagsusuperbisa sa pag-iinspeksyon.

Dahil sa banta ng pa­nganib napilitan si Dionisio na barilin si Labong na isinugod sa pagamutan pero nabigo nang maisalba ang buhay.

vuukle comment

RICO JAY LABONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with