Mister na nawawala natagpuang patay sa garbage bag

MANILA, Philippines — Sa itim na garbage bag natagpuan ang bangkay ng isang 37-anyos na mister sa Purok 6, Brgy. Canaway, Malilipot, Albay, kamakalawa ng umaga.

Halos hindi na makilala ang biktima na si Carlos Bolo, ng Brgy. Panal, ­Tabaco City na malapit nang maagnas dahil sa kinakain na ng uod ang ilang bahagi ng katawan na ayon sa mga kaanak ay tatlong araw na nila itong pinaghahanap.

Batay sa ulat, dakong alas-8:15 ng umaga ay nasusuka sa amoy ang mga residente na mula sa laman ng isang garbage bag na nasa madamong bahagi ng bulubunduking lugar ng barangay.

Kaya nang buksan ay lumantad sa kanila ang nabubulok na katawan ng biktima kaya’t iniulat nila ito sa pulisya.

Malaki ang hinala na ang biktima ay pinatay sa ibang lugar at doon lang itinapon para iligaw ang imbestigasyon.

Hindi pa malaman sa kasalukuyan kung ano ang ikinamatay ng biktima kung sa saksak o tama ng bala ang mga tinamong sugat sa katawan.

Show comments