Suspected ISIS commander ipina-deport
MANILA, Philippines — Ipinatapon palabas ng bansa ng Bureau of Immigration ang isang hinihinalang dating commander ng Islamic State ng Iraq at Syria (ISIS) na nadakip ng mga militar at pulis sa Maynila dahil sa pagiging recruiter ng international terrorist group.
Ipina-deport ni BI Commissioner Jaime Morente, ang Egyptian national na si Fehmi Lassoued sakay ng Thai Airways flight pa-Bangkok patungo sa kanyang destinasyon sa Cairo.
Si Lassoued ay pinatapon alinsunod sa deportation order dahil sa paglabag nito sa Philippine immigration act bukod pa sa blacklisted na ito sa bansa.
Matatandaan na inireklamo si Lassoued at kanyang Filipino girlfriend noong Pebrero kung saan nahulihan ito ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Army ng baril, ilang improvised explosives, ISIS flag, at mga mapa.
Sa ulat naman na PNP, si Lassoued ay recruiter ng ISIS at dating negotiator ng ISIS sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Syria at Turkey na pinaniniwalaang commander sa Syria-Turkey border.
Napatunayang guilty ang dayuhan dahil sa hindi nito pagbibigay ng tamang impormasyon sa kanyang aplikasyon para sa working visa dahil sa paggamit nito ng Tunisian passport at pagiging undesirable alien dahil sa kanyang pagkakasangkot sa terorismo.
Gumagamit din ito ng mga aliases na Haytham/Haytam Abdulhamid Yusof, Haitam Abdel Hamid Ahmed Youssef, at Youssef Haitham Abdelhamid.
Related video:
- Latest