Duterte kay Mayor Osmeña: Sasampalin kita!

Pangulong Rodrigo Duterte
File

MANILA, Philippines — Binantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cebu City Mayor Tomas Osmeña na kanya itong sasampalin sa harap ng maraming tao kung sila ay magkita.

 

Ito ang malutong na pahayag ng Pangulo nang bumisita ito sa Mandaue City kamakalawa ng gabi para sa 49th Charter Day ng lungsod.

Anya, hindi pwedeng maghari-harian si Mayor Osmeña dahil hindi nito pagmamay-ari ang lungsod ng Cebu at inilarawan na isa itong hambog at mapagmataas kung magsalita.

Idinagdag pa ng Pa­ngulo, hindi raw dapat isipin ni Mayor Osmeña na dating pangulo ng bansa ang kanyang lolo na si Sergio Osmeña, Sr. upang ito ay maghari-harian sa Cebu.

Si Osmeña ay apo ng yumaong dating presidente na ang termino ay noong panahon ng 1944 hanggang taong 1946.

“Kung magkita me tamparoson na ko…kinahambugan na dugay na sa politika nga manulti murag ayaw me kilagbati ineng Cebu kay namo.. putang ina ka gago ka man diay, gusto kamo gawas sa Pilipinas di guyuran ning Cebu ngadto sa Pacific… Hoy, Tomas dili na ini panahon sa Kastila ha. Kana style nimong murad kinse taas kay manulti,” nanggagalaiti at may halong pangangantiyaw ng Pangulong Duterte na idinaan sa Bisaya.

Habang nagpaabot naman ng mensahe si Mayor Osmeña sa pamamagitan ng kanyang social media account kung saan sinabi nitong may karapatan ang Pangulo na sabihin ang anumang nais nitong sabihin.

Iginiit ng alkalde na bilang isang abogado, sigurado itong alam ng Pangulo na mayroong dalawang panig sa anumang kwento, at hindi lamang kung ano ang sinasabi sa kanya nina Presidential Assistant for the Visayas Michael Dino, former Cebu City Mayor Michael Rama, at ng PRO-7.

Inihayag ni Osmeña na inihalal siya ng mga Cebuano kaya patuloy nitong gagawin ang kanyang trabaho bilang alkalde.

Magugunitang una nang sinabi ng alkalde na hindi na muna ito sasagot sa anumang media interview.

Show comments