^

Police Metro

Mister tinodas ni misis

Mer Layson - Pang-masa
Mister tinodas ni misis
Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong ala-1:40 ng madaling araw sa loob mismo ng tahanan ng mag-asawa ay nagising ang kapatid ng biktima na si Imelda dahil sa ingay ng pagtatalo ng mag-asawa.

MANILA, Philippines — Inatado nang saksak ng isang misis ang kanyang mister sa gitna ng kanilang pagtatalo kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Ang biktima ay kinilalang si Rannie Calpito Tomas, 47, mekaniko na nakatira sa No. 23 Ruby St., ROTC Hunters, Brgy. Tatalon, Quezon City.

Tumakas ang suspek na si Marynor Mina Tomas, 40, matapos mapatay ang mister.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong ala-1:40 ng madaling araw sa loob mismo ng tahanan ng mag-asawa ay nagising ang kapatid ng biktima na si Imelda dahil sa ingay ng pagtatalo ng mag-asawa.

Hindi umano ito nakialam, subalit bigla na narinig na humihingi ng saklolo ang kapatid kaya agad niya itong pinuntahan at nakita na hawak ang kanyang tiyan na umaagos ang dugo at wala si Marynor.

Tinawag ni Imelda ang kanilang nanay na si Aling Juliana at isinugod sa Delos Santos Hospital ang kapatid, subalit binawian din ito ng buhay.

Nakuha sa crime scene ang kutsilyo na 10 pulgada na ginamit sa krimen.

vuukle comment

RANNIE CALPITO TOMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with