Ama na may sakit pinatay ng adik na anak

MANILA, Philippines — Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang nabur­yong na anak sa paggamit ng droga ang kanyang sariling ama sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Kinilala ang biktimang si Rodolfo Bonsato, 64, ng No.73 Banana Street, Block 37, Welfareville Compound, Barangay Addition Hills.

Agad na naaresto ang suspek na si Rolando Bonsato, 43, sa kanyang bahay sa MRR Street, Barangay Barangka Ibaba.

Sa ulat, bago nadiskubreng patay ang biktima ay narinig ng mga kapitbahay na nag-aaway ang mag-ama dakong alas-2:00 ng madaling at sumisigaw ang biktima ng tulong.

Walang nakialam na mga kapitbahay sa takot na madamay, bukod pa sa sanay na silang nag-aaway lagi ang mag-ama.

Nabatid na tuwing sinisita ng biktima ang suspek at pinangangaralan na tumigil na sa kanyang bisyo dahil masisira lang ang buhay nito dahil nag-iisang anak lamang ay inaaway nito ang matanda.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para matukoy kung may iba pang motibo sa naganap na krimen na kung saan ang suspek ay kinasuhan ng parricide.

Show comments