Joy B hinimok ang mga bar owners na maging ‘drug free’
MANILA, Philippines — Hinimok ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ang mga may-ari ng bar, clubs at iba pang negosyo sa lungsod na maging “drug free” alinsunod sa mga ordinansa ng pamahalaan.
Ito ay matapos ang pagsalakay ng mga otoridad sa isang bar sa Makati na pinaniwalaang sangkot sa iligal na droga.
Alinsunod sa isang city ordinance na nag uutos na isailalim sa drug test ang mga empleyado at opisyal ng lokal na pamahalaan, samantalang ang “QC Business Establishment Drug-Free Ordinance” ay nagbibigay ng ligtas at healthy environment free mula sa paggamit ng bawal na gamot na sumasakop sa mga “entertainment establishments” tulad ng KTV bars, nightclubs, spa, massage parlor, bars, at restaurant gayundin ang mga establisimiento na may 10 o higit pang mga empleado.
Sila rin ay inaatasan na imulat ang kanilang mga empleyado sa masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot kasabay nito pangungunahan din nila ang “random drug-testing”.
Kung sakaling mayroong positibo sa kanilang mga empleyado, kailangan nilang kumonsulta sa mga center na hawak ng Department of Health (DOH) para sa pagpapagamot.
- Latest