^

Police Metro

2 tulak patay nang manlaban

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang dalawang pinaghihinalaang drug pusher nang ito umano ay manlaban sa magkahiwalay na drug buy-bust operation kamakalawa at kahapon ng madaling araw sa Maynila.

Ang dalawang napatay ay kinilala lamang sa mga alyas na “Ivan” o “Dodong”, 45-anyos at isang Adrian Acuzar, nasa hustong gulang.

Si alyas “Ivan” o “Dodong”, ay suspek at may nakabinbing warrat of arrest sa pamamaslang sa isang Tranquilino Buelga, 61-anyos, Officer-in-Charge ng satellite office ng Manila Traffic and Parking Bureau-Task Force Parola ng Manila City Hall noong Abril 18, 2018.

Sa ulat, dakong alas-11: 20 ng gabi kamakalawa nang magkasa ng buy bust operation laban kay alyas “Ivan “o “Dodong” ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team (SDET) sa Gate 17, Parola Compound, Tondo. Subalit, nanlaban si alyas “Ivan” o “Dodong” kaya’t napatay.

Nakuha sa suspek ang isang sachet ng shabu, isang kalibre .45 pistola na may mga bala, isang asul na sling bag at P200 marked money.

Ang ikalawang insidente ay naganap dakong alas-12:30 ng madaling araw nang mapatay ang suspek na si Acuzar nang manlaban umano sa buy- bust operation sa Arellano Avenue, malapit sa panulukan ng Zapanta at Pag-asa Sts., Malate., Maynila.

vuukle comment

DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with