SC-pwede nang mag-isyu ang RTC ng PHDO

Subalit, ang mga iisyuhan ng PHDO ay ang mga indibidwal lamang na mayroong nagawang krimen na may katumbas na penalty na anim na taon pataas.
File

MANILA, Philippines — Pinayagan ng Korte Suprema ang lahat ng Regional Trial Court na mag-isyu ng Precautionary Hold Departure Order (PHDO) na magbibigay ng direktiba sa Bureau of Immigration (BI) para pigilan ang isang indibidwal na umalis ng bansa kung pinaghihinalaang nakagawa ng krimen.

Subalit, ang mga iisyuhan ng PHDO ay ang mga indibidwal lamang na mayroong nagawang krimen na may katumbas na penalty na anim na taon pataas.

Ang PHDO application ay puwedeng i-file ng pro­secutor sa kahit saang RTC kung saan hinihinalang nakagawa ng kasalanan o krimen ang isang indibidwal.

Tinukoy ng Korte Suprema na ang PHDO ay hihilingin sa pamamagitan ng “ex parte” na na­ngangahulugan na hindi na kailangan pang hingiin ng hukuman ang panig ng respondent o kabilang partido sa kaso.

Pinapayagan naman ng Korte Suprema ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsulong ng PHDO sa mga RTC sa Maynila, Quezon City, Cebu City, Iloilo City, Davao City at Cagayan de Oro City para sa mga krimen na naganap sa alinmang panig ng bansa.

Nilinaw naman ng Korte Suprema na ang pag-iisyu ng PHDO ay hindi dapat makaapekto sa kahihinatnan ng preliminary investigation at may bisa hangga;t hindi ito binabawi ng korte.

Show comments