2 dedo sa drug ops

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang lalaki na umano ay drug pusher matapos na manlaban sa mga otoridad sa isang drug buy bust operation kahapon ng madaling araw sa Binondo, Maynila.

Walang nakuha na anumang pagkakakilanlan ang dalawang suspek na ang isa ay kinilala sa alyas Junjun.

Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-2:00 ng madaling araw ay nagkasa ng operasyon ang Station Drug Enforcement Team (SDET) laban sa mga suspek na nagbebenta umano ng iligal na droga sa San Miguel Road malapit sa Delpan Bridge sa Binondo.

Nang makumpirma na positibo ang iligal na aktibidad ay nagpanggap ang isa sa operatiba na bibili at gagamit ng shabu at sa gitna ng transaksiyon, nakahalata ang mga suspek na pulis ang kliyente.

Bumunot ng baril at pinaputukan ang pulis na agad namang sinaklolohan ng mga nakaposteng kasamahan at nagkaroon ng putukan at napatay ang dalawang suspek.

Show comments