2 bangkay sa Laguna lake

MANILA, Philippines — Natagpuan ng mga mangingisda ang dalawang bangkay na lalaki na palutang-lutang sa Laguna Lake sa Binangonan, Rizal.

Kasalukuyan pang ­inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang biktima, na ang isa ay inilarawan na nakasuot ng maong shorts at violet na polo shirt.

Unang bangkay ay nakadiskubre dakong alas-12:30 ng tanghali habang palutang-lutang na may dalawang kilometro ang layo sa pantalan ng Laguna Lake, Brgy. San Pag-asa.

Ang ikalawang bangkay ay nadiskubre ng mangingisdang si Marlon Valdez, nasa hustong gulang, dakong alas-7:00 ng umaga kahapon sa Laguna Lake, na sakop ng Brgy. Tagpos, sa Binangonan.

Walang nakita na anumang sugat sa dalawang bangkay na pinaniniwalaang nalunod ang mga ito.

Show comments