P27.7 milyong ‘tsongke’ nasamsam
Joy Cantos (Pang-masa) - July 22, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines —  Tumataginting na P27.7-milyong halaga ng marijuana ang nasamsam ng mga otoridad sa loob ng dalawang araw na marijuana eradication operation sa lalawigan ng Kalinga, ayon sa opisyal kahapon.

 

Sa ulat ni Cordillera Police Director P/Chief Supt. Rolando Nana, umpisa nitong Hulyo 19 hanggang kamakalawa ay naglunsad ng serye ng operasyon ag pinagsanib na mga elemento ng Kalinga Drug Enforcement Unit personnels, Provincial and Regional Maneuver Force Battalion at ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cordillera Region sa Brgy. Butbut Proper at Brgy. Loccong, pawang sa bayan ng Tinglayan ng naturang probinsya.

Ayon kay Nana nasa 17 taniman ng marijuana na sumusukat ng 17,915 metriko kuwadrado na pinagtataniman ng 132,000 mga puno ng marijuana, 3,000 marijuana stalks at bulto ng mga binhi na ang kabuuang halaga ay aabot s P27.7-milyon.

Gayunman, nabigo namang masakote ng mga awtoridad ang cultivators o nangangasiwa sa malawak na plantasyon ng marijuana gayundin ang may-ari nito na pinaniniwalaang mabilis na nakatakas nang matunugan ang paparating na mga operatiba. 

MARIJUANA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with