MNLF kumander, kasama dedo sa ‘tandem’

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga ay nakatayo ang dalawang biktima sa harap ng gusali ng justice hall nang sumulpot ang isang motorsiklo na kung saan ay pinagbabaril ang dalawang biktima ng backrider.
File

MANILA, Philippines — Isang kumander ng Moro National Liberation Front (MNLF) at kasama ang nasawi matapos na sila ay pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng isang motorsiklo kahapon ng umaga sa harap ng Hall of Justice, National Highway, Midsayap, North Cotabato.

Kinilala ang mga nasawing sina Datu Lumambok Mananimbong, kumander ng MNLF at Bert Aran Camen.

Show comments