^

Police Metro

Buy bust: Pulis at drug pusher todas

Joy Cantos, Raymund Catindig - Pang-masa
Buy bust: Pulis at drug pusher todas
Idineklarang dead on arrival ang pulis na si PO1 Mariano Emmanuel Caparas na nagtamo ng tama ng bala sa dibdib. Habang ang napatay na suspek ay kinilalang si alyas Abet.
File

MANILA, Philippines — Isang pulis ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng isang drug pusher na napatay din matapos na mauwi sa shootout ang isang buy bust operation kamakalawa ng gabi sa bayan ng General Tinio, Nueva Ecija.

Idineklarang dead on arrival ang pulis na si PO1 Mariano Emmanuel Caparas na nagtamo ng tama ng bala sa dibdib. Habang ang napatay na suspek ay kinilalang si alyas Abet.

Bago nangyari ang shootout, bandang alas-9:45 ng gabi ay nang nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng General Tinio Municipal Police Station (MPS)  sa Sitio Saudi, Brgy. Pias, Gen. Tinio, Nueva Ecija  laban sa target na si Abet na notoryus na tulak ng droga at nasa drug watch list ng pulisya.

Papasok pa lamang sa lugar ang mga pulis ay pinagbabaril na sila ng suspek at dito ay tinamaan sa dibdib si PO1 Caparas.Agad gumanti ng putok ang mga operatiba at napatay ang suspek.

Narekober sa pinangyarihan ng shootout ang isang Glock 9 MM pistol, 10 basyo ng bala ng  caliber 9 MM, isang nadepormang bala, isang kulay itim na Kawasaki Bajaj motorcycle  at isang piraso ng plastic sachet ng shabu.

vuukle comment

DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with