3 sundalo patay, 2 sugatan sa NPA attack

Batay sa ulat, bago nangyari ang sagupaan dakong alas-2:50 ng hapon ay nagsasagawa ng security patrol ang tropa ng Army’s 81st Infantry Battalion nang masabat ang NPA rebels sa liblib na lugar sa Sitio Dandanac, Brgy. Tamboan, Besao, Mt. Province.
AFP Westmincom, File

MANILA, Philippines — Nasawi ang tatlong sundalo habang dalawa pa ang nasugatan nang makasagupa ang mga te­roristang New People’s Army (NPA) kamakalawa sa Mountain Province.

Batay sa ulat, bago nangyari ang sagupaan dakong alas-2:50 ng hapon ay nagsasagawa ng security patrol ang tropa ng Army’s 81st Infantry Battalion nang masabat ang NPA rebels sa liblib na lugar sa Sitio Dandanac, Brgy. Tamboan, Besao, Mt. Province.

Tumagal ang palitan ng putok na may tatlong oras na ikinasawi ng tatlong sundalo at pagkasugat na dalawa pa na itinago muna ang pagkaka­kilanlan.

Nagawa ring mata­ngay ng mga rebelde ang isang K3 Sqad Automatic rifle, dalawang R4 rifles, isang M203 grenade launcher at isang Harris handheld radio sa nasabing engkuwentro.

Malaki ang paniwala na ang mga nasagupang rebelde ay mula sa grupo ng NPA’s Kilusang Larangang Geriulya Ampis Command sa ilalim ng grupo ni Commander Digbay.

Show comments