^

Police Metro

Negosyante pumalag sa holdap, inutas

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa napatay ang isang negosyante matapos manlaban sa mga holdaper kahapon ng umaga sa Barangay Commonwealth, Quezon City.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Adrian Dalisay, 30, may-ari ng isang tindahan sa Commonwealth Market, Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Sa imbestigsyon, bago nangyari ang krimen dakong alas-10:30 ng umaga ay sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima pauwi sa kanilang bahay.

Pagsapit sa Metong St., Brgy.Commonwealth ay hinarang ito ng mga suspek at tinutukan ng baril saka nagpahayag ng holdap.

Nang kukunin ng mga suspek ang kanyang sling bag na may lamang P200,000 ay pumalag ito kaya’t sa galit ng mga una ay binaril ito sa katawan at tinangay ang kanyang sling bag.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigsyon ang pulisya para matukoy at madakip ang mga suspek.

vuukle comment

ADRIAN DALISAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with