COA may sala sa mabagal na paghatol sa DAP case ni Aquino-Morales

Ito ang sinabi ni out­going Ombudsman Conchita Carpio Morales at wala umanong nag-pressure sa kanya nang irekomendang kasuhan si Aquino ng usurpation of legislative powers kaugnay ng DAP case.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Ang Commission on Audit (COA) umano ang may sala sa mabagal na pagkilos ng Ombudsman kaya’t wala pa rin paghatol ang kinakaharap na kaso ni dating Pangulong Noynoy Aquino na may kaugnayan sa “pork barrel scam” na nagkakahalaga ng P72 bilyon.

Ito ang sinabi ni out­going Ombudsman Conchita Carpio Morales at wala umanong nag-pressure sa kanya nang irekomendang kasuhan si Aquino ng usurpation of legislative powers kaugnay ng DAP case.

Anya, ngayong taong ito lamang nagsumite si  COA chairman Michael Aguinaldo ng audit report hinggil dito may dalawang taon na ang nakararaan makaraang kasuhan ng Office of the Ombudsman sina Aquino at dating Budget Secretary Florencio Abad at makalipas naman ng tatlong taong naibigay ang kaukulang dokumento sa COA.

Ang kaso sa DAP ay nag-ugat sa umanoy maanomalyang realignment ng pondo ng pamahalaan noong Pangulo pa ng bansa si Aquino.

Sinabi din ni Morales na nasa kamay na ng Korte Suprema ang pagdedesisyon sa pagkakasangkot naman ni Aquino sa Mamasapano incident na ikinamatay ng 44 Special Action Force.

Show comments