^

Police Metro

Roxas at Purisima ipapatawag ng Senado sa P1.8-B ‘unfit’ patrol cars

Rudy Andal - Pang-masa
Roxas at Purisima ipapatawag ng Senado sa P1.8-B âunfitâ patrol cars
Ayon kay Sen. Grace Poe, pinuna ng COA ang pagbili ng 2,000 na Indian-made na Mahindra vehicles ng PNP noong nakaraang administrasyon na natuklasang ‘unfit’.
File

MANILA, Philippines — Nakatakdang ipatawag ng Senado sina dating DILG Sec. Mar Roxas at dating PNP chief Alan Purisima upang imbestigahan kaugnay sa P1.8 bilyong patrol vehicles na natuklasan ng Commission on Audit (COA) na disadvantegous.

Ayon kay Sen. Grace Poe, pinuna ng COA ang pagbili ng 2,000 na Indian-made na Mahindra vehicles ng PNP noong nakaraang administrasyon na natuklasang ‘unfit’.

Una nang kinuwestiyon noong 2014 ni Sen. Poe ang pagpabor ng PNP sa Mahindra para sa patrol jeep nito sa kabila ng kawalan nito ng track record sa Pilipinas kumpara sa Toyota at Ford.

“Ipapatawag natin si General Purisma. Kaila­ngan nating ipatawag iyung namuno ng DILG sapagkat ganito kalaki P1.8 billion, hindi naman maaprubahan iyan ng PNP kung hindi po iyan pinaboran din ng DILG,” paliwanag pa ni Poe.

“Makikita natin kung tatanggapin lahat ni Ge­neral Purisima ang pagkakasala rito o pagkakamali o mayroon siyang ituturo na nag-impluwensya sa kaniya para aprubahan ito,” dagdag pa ni Poe.

Aalamin din sa isasagawang imbestigasyon ng Senado kung nagba­yad ng retention fee ang Mahindra bilang pondo sa repair ng mga units nito sa sandaling masira.

ALAN PURISIMA

MAR ROXAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with