Comelec inaasahan ang 2 milyong bagong botante

Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez, tinatayang 1.5 mil­yon hanggang 2 mil­yon ang kanilang inaasahang magpapalista sa halos tatlong buwang registration period mula Hulyo 2 hanggang Set­yembre 29.
FIle

MANILA, Philippines — Para sa magaganap na 2019 midterm elections ay inaasahan na ng Commission on Elections (Co­melec) ang pagdagsa ng mga magpaparehistrong botante.

Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez, tinatayang 1.5 mil­yon hanggang 2 mil­yon ang kanilang inaasahang magpapalista sa halos tatlong buwang registration period mula Hulyo 2 hanggang Set­yembre 29.

Ipinabatid din ng Co­melec na maaari na rin magparehistro sa ilang mga barangay, public plaza, eskwelahan at iba pang lugar dahil sa kanilang isasagawang satellite o offsite registration.

Anya, dapat samantalahin ng mga bagong botante ang pagpaparehistro dahil pagkakataon nila na mailuklok ang opisyal na alam nilang karapat dapat.

Mas makabubuti na agahan ng mga ito ang pagpaparehistro at iwasan ang last minute upang maiwasan ang siksikan at gulo.

Show comments