Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte may programa sa mga tambay
MANILA, Philippines — Bilang suporta sa Oplan Tambay, hinimok ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang mga nahuling tambay na magsimulang muli at lumahok sa mga programa ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay Belmonte, ang mga tambay, karamihan ay mga walang trabaho, ay dapat na tinutulungan ng lipunan at ng pamahalaan na mapabuti ang kanilang pamumuhay at huwag ituring na kriminal.
“If they are of working age, willing tayong saluhin sila. We have skills training program. They can also enrol in our community college,” pahayag ng bise alkalde.
Ang mga programang pangkabuhayan ng City Hall, ayon pa kay Belmonte, ay bukas naman sa lahat ng residente.
“We shouldn’t judge them just because they’re tambay. We should encourage them to be productive. They still have hope in this city,” ani Belmonte.
Nanawagan si Belmonte sa mga tambay na samantalahin ang mga libreng programa ng Office of the Vice Mayor tulad ng mga skills training courses na pinapatupad ng Quezon City Skills and Livelihood Foundation, Inc. (QCSLFI).
“Mayroon tayong programs na pwedeng pasukan katulad ng community college at ibang skills and livelihood programs ng lungsod,” sabi pa ni Belmonte.
- Latest