2 estudyante dedo sa de-sabog ng sekyu

Nasawi noon din ang dalawang biktima na kinilalang sina Angel Lorenzon, 13, Grade 6 at Joshua Aquirre, 12, Grade 4, pawang mag-aaral ng Payatas Elementary School, at kapwa residente ng naturang barangay.
File

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang ­elementary students matapos silang putukan ng shotgun ng isang security guard nang pasukin nila ang isang establisyimento sa Brgy. Payatas, Quezon City kamakalawa ng hapon.

Nasawi noon din ang dalawang biktima na kinilalang sina Angel Lorenzon, 13, Grade 6 at Joshua Aquirre, 12, Grade 4, pawang mag-aaral ng Payatas Elementary School, at kapwa residente ng naturang barangay.

Hawak naman ng QCPD- Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang suspek na si Jhonell Cordonez, 22, security guard ng Duralex Security Agency, na nakatalaga sa Baseline Construction Corporation, na matatagpuan din sa nasabing lugar, at residente ng 876 Area A, Parola, sa Tondo, Manila.

Ayon sa ulat ng QCPD- Batasan Police Station 6, nabatid na dakong alas-3:05 ng hapon nang maganap ang krimen sa loob ng binabantayang Baseline Construction Corp. ng suspek.

Kasalukuyang naka-duty ang suspek nang makita ang mga biktima na pumasok sa loob ng kanyang binabantayang ­establi­s­yimento sa pamamagitan nang pagsuot sa butas ng bakod, kaya’t binaril ang mga ito, na nagresulta sa kanilang agarang kamatayan.

Agad namang rumes­ponde ang mga otoridad matapos na matanggap ang tawag hinggil sa naturang pamamaril at naaresto ang suspek.

Narekober mula sa suspek ang service shotgun nito na siyang ginamit sa pamamaril habang iniha­handa na ang dalawang kaso ng pagpatay laban sa kanya sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Show comments