^

Police Metro

Lider ng holdaper, pusher todas

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tumimbuwang noon din ang isang sinasabing lider ng mga notoryus na holdper at tulak ng shabu nang manlaban umano ito sa ikinasang buy-bust operation laban sa kanya ng mga otoridad kamakalawa ng gabi sa Taytay, Rizal.

Ang napatay na suspek ay nakilala lang sa alyas na “Pusa”, nasa wastong gulang, residente ng Brgy. San Juan sa Taytay at umano’y lider ng ‘Highway Robbery Group’.

Batay sa ulat ng Taytay Municipal Police Station, dakong alas-8:00 ng gabi nang isagawa ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ng Police Regional Office 4A (PRO4A) ang buy-bust operation laban sa suspek sa Manila East Compound, sa nasabing lugar.

Isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer at nang makabili ng P1,000 halaga ng shabu ay kaagad na nagpakilalang pulis.

Ngunit imbes na sumuko ay agad na bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga pulis na mabilis namang nakaganti na nagresulta sa kanyang agarang pagkasawi.

Nakumpiska mula sa suspek ang 11 pirasong sachet ng shabu, isang kalibre .38 revolver, P1,000 buy-bust money at iba pang drug paraphernalia.

vuukle comment

DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with