^

Police Metro

Ama, 3 anak dinakip sa kasong murder

Mer Layson - Pang-masa
Ama, 3 anak dinakip sa kasong murder
Nadakip sa kanilang hideout sa Baras, Rizal ang lider ng Padilla Largo Group na si Rudy Boquerin Padilla Sr., 73, at tatlong anak na sina Rudy Jr., 36; Michael Diaz, 29; at Crisanto Diaz, 31, na may kasong pagpatay at kidnapping sa Dagupan.
Ed Amoroso

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga pulis ang isang ama at tatlo nitong anak na mga mi­yembro ng isang organized crime group sa Baras, Rizal, kamakalawa.

Kinilala ni PRO4 Regional Director P/Chief Supt. Edward Carranza ang mga suspek na sina Rudy Boquerin Padilla Sr., 73, itinuturing na No. 2 Most Wanted Person (MWP) sa Pangasinan dahil sa kasong pagpatay; at kanyang mga anak na sina Rudy Diaz Padilla Jr., 36, No. 3 MWP sa Panga­sinan sa kasong frustrated murder; Michael Diaz Padilla, 29, may kaso ring murder; at Crisanto Diaz Padilla, 31, na may kasong pagpatay.

Pinaniniwalaang nabuwag na ng mga otoridad ang gun-for-hire group na ‘Padilla Largo Organized Crime Group,’ na nag-o-operate sa ­Pa­ngasinan.

Ang mag-aama ay tubong Lucao District, Dagupan City, Pangasinan, at kasalukuyang nagtatago sa Sitio Galaxy B, Barangay Pinugay dahil sa mga kinakaharap na mga kasong kriminal na naaresto dakong alas-7:30 ng umaga nang pinagsanib na ­pwersa ng 404th A Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 4A (Lead Unit), Force Commander, RMFB 4A; Dagupan City Police Station at Baras MPS.

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang mga otoridad mula sa isang concerned citizen na may isang lalaki sa kanilang lugar ang namataang pagala-gala na may bitbit na armas.

Bineripika ang ulat at nang makumpirma na sila ay mga miyembro ng gun-for-hire group sa Pangasinan ay kaagad na isinagawa ang pagsalakay, na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek.

Nakumpiska sa mag-aama ang isang 12 Gauge Chamber Proof Tested (Shotgun) na may apat na bala, isang kalibre .45 Armscor High Cap na may isang magazine na may 11-bala; at isang .9mm Caliber pistol (Beretta) na may magazine na loaded ng 15-bala.

Pansamantalang nakadetine ang mag-aama sa Baras MPS habang inihahanda pa ang pagsasampa ng kasong Illegal Possession of Firearms o paglabag sa Republic Act 10591 laban sa kanila.

vuukle comment

PADILLA LARGO ORGANIZED CRIME GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with