^

Police Metro

3 drug pusher dedo sa buy bust

Mer Layson, Danilo Garcia - Pang-masa
3 drug pusher dedo sa buy bust
Sa Quezon City, kinilala ang napatay na mga suspek na sina Danilo Valenzuela, at isang alyas ‘Bansot,’ na nasa edad-30 hanggang 35-anyos, may taas na 5’7”, at may tatoo na ‘Fatima’ sa dibdib.
AP/Aaron Favila, File

MANILA, Philippines — Tatlong lalaki na hinihinalang tulak ng illegal na droga ang nasawi sa magkahiwalay na buy bust ­operation sa Quezon City at Parañaque City.

Sa Quezon City, kinilala ang napatay na mga suspek na sina Danilo Valenzuela, at isang alyas ‘Bansot,’ na nasa edad-30 hanggang 35-anyos, may taas na 5’7”, at may tatoo na ‘Fatima’ sa dibdib.

Bago nangyari ay nakatanggap ng tip ang mga otoridad hinggil sa illegal na aktibidad ng mga suspek, at nang makumpirma ang ulat ay nagkasa ng buy-bust dakong alas-2:00 ng madaling araw sa Extension corner Legaspi St., Brgy. Milagrosa, Quezon City at nagpanggap na bibili ng P2,000 halaga ng shabu si PO1 Darwin Peralta.

Nang makabili na ay nakatunog ang mga suspek na pulis ang ka-transaksyon kaya’t binaril nila ito na hindi tinamaan at nang gumanti ng putok ay napatay ang mga una.

Sa Parañaque City, napatay ang isang itinuturong notoryus na tulak ng iigal na droga na si alyas “Boy Tatoo” makaraang makipagbarilan umano sa mga umaarestong pulis habang nakatakas ang kanyang kasamahan sa ikinasang anti-drug operations, alas-5:00 ng umaga sa likuran ng isang mala­king shopping mall sa may Sucat, Brgy. San Dionisio.

Nagpanggap na buyer ng shabu si PO1 Jerome Fernandez na matagumpay na nakabili ng dalawang plastic sachet ng iligal na droga sa halagang P1,000 kay Boy Tatoo at kasama.

Nang magkaabutan ng bayad kumilos na ang ibang operatiba para arestuhin ang mga suspek na agad na nakahalata at nagbunot ng baril at pinutukan ang mga pulis.

Gumanti ng putok si PO1 Dominic Enguio at tinamaan ang suspek na dahilan ng kanyang agad na pagkasawi.

vuukle comment

DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with