^

Police Metro

Salpukan sa kalsada: 16 malubha

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Labing-anim na katao ang nasugatan makaraang aksidenteng magbangaan ang dalawang behikulo sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy. Camohaguin, Gumaca, Quezon nitong Sabado ng madaling araw.

Sa report, sinabi ni CALABARZON Police Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar na nangyari ang  sakuna sa lugar dakong alas-4:30 ng madaling araw.

Ayon sa imbestigasyon kasalukuyang minamaneho ni Alexander Regalario ang Hi Ace GL Grandia Toyota na may conduction sticker VX 4609 lulan ang 14 katao nang makabanggaan ang behikulong Wagon Hi Lander Isuzu (WJX 810) na minamaneho ni Simon Belmonte sa lugar.

Ang behikulong minamaneho ni Regalario ay patungong Bicol habang ang behikulong minamaneho ni Belmonte ay nasa kabilang linya.

 Nabatid na naidlip si Belmonte kaya nabangga nito ang kasalubong na behikulo na ikinasugat ng mga biktimang lulan ng behikulo gayundin ng dalawang driver.

Ang mga biktima ay mabilis na isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with