Oil price hike pa more

Ayon sa source sa oil industry, naglalaro sa P0.70 hanggang P0.75 ang idadagdag na presyo sa kada litro ng gasolina, samantalang sa diesel ay naglalaro naman sa P0.40 hanggang P0.45 ang kada litro.
File

MANILA, Philippines — Pihadong ‘a-aray’ na naman ang publiko partikular ang transport at labor group, dahil hindi pa nga nakakaahon sa nakaraang big time oil price hike, ay napipinto na namang magtaas ng kanilang produkto ang mga kum­panya ng langis itong darating na linggo.

Ayon sa source sa oil industry, naglalaro sa P0.70 hanggang  P0.75 ang idadagdag na presyo sa kada litro ng gasolina, samantalang sa diesel ay naglalaro naman sa P0.40 hanggang P0.45 ang kada litro.

Matatandaan, na nitong nakaraang Martes, Mayo 22 ng taong kasalukuyan ay nagpatupad ng big time oil price hike ang mga kumpanya ng langis.

Kung saan tumaas ng P1.60 kada litro ng gasolina, P1.15 kada litro sa diesel, at P1.00 kada litro sa kerosene.

Ang napipintong oil price hike ay posibleng ipatupad sa susunod na linggo.

Show comments