GF kinatay ng BF, bago nagpakamatay

Sanhi ng ilang saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa isang patalim, kinilala ang biktimang si Joanna Tracy, nakatira sa Unit 2102 Ivory Tower, Rosewood Pointee, Acacia Estate, Brgy. Ususan ng naturang siyudad.
File

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 30-anyos na dalaga matapos siyang patayin sa saksak ng kanyang kasintahan habang ang suspek naman ay kinitil din ang kanyang sariling buhay matapos ang kanilang mainitang pagtatalo naganap kamakalawa sa Taguig City.

Sanhi ng ilang saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa isang patalim, kinilala ang biktimang si Joanna Tracy, nakatira sa Unit 2102 Ivory Tower, Rosewood Pointee, Acacia Estate, Brgy. Ususan ng naturang siyudad.

Nasawi noon din ang suspek na si Rhandolf ­Sabares,  nasa hustong gulang, tubong Pangasinan matapos nitong pagsasaksakin ang sarili.

Sa report na natanggap ng hepe ng Taguig City Police na si Police Sr. Supt. Alexander Santos, naganap ang insidente alas-2:15 ng hapon sa condominium na tinitirhan ng biktima sa Unit 2102 Ivory Tower, Rosewood Pointee, Acacia Estate, Brgy. Ususan ng naturang siyudad.

Bago ang trahedya, ayon sa kasambahay na si Gie Viray Malinao, sinundo ng biktima ang suspek sa tinitirhan nito sa Pangasinan may apat na araw ng nakakalipas.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa at sinabihan ng biktima ang suspek na umuwi na ito sa kanila.

Dahil dito ay nairita ang lalaki at kinuha nito ang isang patalim at walang salitang pinagsasaksak ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Matapos isagawa ng suspek ang pagpatay ay tumakbo ito sa basement ng naturang condo­minium at dito niya naman pinagsasaksak ang sarili ng hawak nitong patalim hanggang sa nalagutan din ito ng hininga.

Sa ngayon ay patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

Show comments