^

Police Metro

Cavite at Laguna drug bust: 4 tulak patay

Joy Cantos, Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang apat na umano’y drug pushers matapos na mauwi sa shootout ang isang buy bust operation ng mga otoridad sa lalawigan ng Cavite at Laguna, kamakalawa ng gabi.

Sa Brgy. Real, Calamba City, Laguna, dakong alas-11:39 nang kumasa ang mga target na drug pushers sa  mga otoridad  nang matunugan na mga pulis ang ka-drug deal nila kaya’t pinaputukan ng mga ito ang mga tauhan ng Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Gumanti ng putok ang mga otoridad at magkakasunod na bumulagta at napatay ang mga target na sina Edwin Manaig, alyas Tone at Efren Manaig.

Dakong alas-8:30 ng gabi sa Brgy. Alulod, Indang, Cavite ay nagbenta ang suspek na si Jeffrey Ryan Alcantara, 33 ng isang sachet ng shabu sa poseur buyer ng pulisya.

Natunugan umano nito na pulis ang ka-deal kaya’t pinaputukan nito.

Masuwerteng hindi tinamaan ang poseur buyer kaya naman gumanti ng putok ang mga nakaantabay na mga pulis at napatay ito.

Sa Brgy. Munting Mapino, Naic, Cavite ay naki­pagbarilan din umano ang tulak na si Ruben Angeles alyas Kristo sa mga otoridad at napatay ito.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with