^

Police Metro

Tinedyer na ‘tulak-droga’, napatay

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang isang 19-an­yos na hinihinalang tulak ng droga matapos umanong manlaban sa buy-bust ­operation kamakalawa ng gabi sa Kawit, Cavite.

Ang napatay na suspek ay kinilalang si Jerome Herona, binata, ng Brgy. Pag-asa 3, Imus City, Cavite.

Ayon sa pulisya, 2 linggong tiniktikan ang suspek hinihinalang dumadayo sa mga karatig-barangay para magtulak ng ilegal na droga. 

“May kasamahan [siya] na nahuli last April 18. Pusher din at suma-sideline sa pagnanakaw,” sabi ni Chief Insp. Mark Jason Gatdula, hepe ng Kawit police. 

Batay sa imbestigasyon, miyembro ang suspek ng akyat-bahay gang na ginagamit ang napagbentahan ng nakaw ng gamit bilang puhunan sa pagtutulak ng ilegal na droga.

Sa ulat ng pulisya, alas 10:45 ng gabi ng ikasa ng puwersa ng Kawit Police ang Anti-Illegal Drug ­Operation sa Brgy Congbalay-Legaspi, Kawit, Cavite, kung saan target ng mga ito ang nasabing suspek.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer at bumili ng halagang P300 na shabu sa suspek sa Brgy.Congbalay.

Subalit, hindi pa man natatapos ang transaksiyon ay nakatunog na ang suspek na pulis ang kanyang kaharap kung kaya  mabilis itong tumakbo at pinaputukan ang kapulisan.

Gumanti ng putok ang mga pulis at bumulagta ang suspek sa gilid ng isang bahay 100 metro ang layo mula sa pinangyarihan ng transakyon. 

Nakuha sa bulsa ng tinedyer ang 21 pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng nasa P8,000, gayundin ang kalibre .38 revolver na ginamit niya umano sa pakikipagbarilan sa mga pulis.

vuukle comment

JEROME HERONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with