^

Police Metro

P330-M cocaine nasamsam sa dagat

Joy Cantos - Pang-masa
P330-M cocaine nasamsam sa dagat
Ayon kay Philippine National Police Chief P/Director Oscar Albayalde na ang 16.5 litro ng likidong cocaine ay kayang mag-prodyus ng 13 kilo ng cocaine na tinatayang nasa P 130 M halaga.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa mahigit  P330-M halaga ng  likidong cocaine ang narekober ng mga otoridad kamakalawa sa karagatan ng Calaguas Island, Camarines Norte.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief P/Director Oscar Albayalde na ang 16.5 litro ng likidong cocaine ay kayang mag-prodyus ng 13  kilo ng cocaine na tinatayang nasa P 130 M halaga.

Base sa imbestigasyon, ang karagdagang likidong cocaine ay natagpuan dakong alas-7:00 ng umaga kamakalawa ng mga mangingisdang sina Joven Mendez, Virgilio Yanilla, Jayner Tisu at isa pa nitong kasamahan  na pawang taga-Quezon habang nangingisda sa Calaguas Island.

Samantalang, isang tracking device rin ang narekober sa karagatan ng Calaguas Island ng apat na mangingisda na pinaniniwalaang gamit ng sindikato ng droga na nasa likod ng narekober na cocaine na itinurnover na sa Quezon Police Provincial Crime Laboratory.

Sinabi ng opisyal na nagiging high tech na ang sindikato ng droga na bago ito palubugin ay may tracking device pa para hindi sila mahirapang hanapin. Pinasa­lamatan naman ng mga opisyal ang kabutihan ng mga mangingisda na itinurnover sa pulisya ang nasabing mga epektos.

Magugunita na noong nakalipas na linggo ay 28 kilo ng cocaine ang unang natagpuan ng mga mangingisda ng Perez, Quezon sa karagatan ng Camarines Norte na ayon kay Eleazar ay aabot sa mahigit P 200-M. Patuloy naman ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang sindikatong nasa likod ng nakumpiskang mga likidong droga.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with