^

Police Metro

P5-M shabu nasamsam sa condo ng Chinese drug trafficker

Joy Cantos, Lordeth Bonilla - Pang-masa
P5-M shabu nasamsam sa condo ng Chinese drug trafficker
Tinitimbang ng mga tauhan ng Drug Enforcement Group ang nasa 1 kilong shabu na nasamsam sa isang condominium unit sa Muntinlupa City ng kilalang drug trafficker sa isinagawang raid.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa 1 kilong shabu na nagkakahalaga ng P5 milyon ang nasamsam ng elemento ng PNP-Drug Enforcement Group, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Muntinlupa City Police nang salakayin ang condominium unit ng isang Chinese drug trafficker sa Muntinlupa City, kahapon ng umaga.

Batay sa ulat, bandang alas-5:40 ng umaga nang salakayin ng mga otoridad ang condominium unit na pag-aari ng drug suspect na si Li Hong Peng  sa Room 323 Rhapsody Condominium, Buli, Muntinlupa City, subalit nabigong masakote ito.

 Ayon kay PNP-DEG Director P/Chief Supt. Albert Ignatius Ferro na si Peng ay minsan nang nasakote sa pag-iingat ng 20 kilo ng shabu pero nakalaya matapos umanong magpiyansa sa korte.

Ang ipinagtataka ng pulisya na nakasaad sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act 2002 ang pagtataglay ng 10 gramo ng shabu  ay isang non-bai­lable offense, pero sa kabila ng nasakote na si Peng sa 20 kilo ng shabu ay pinalaya ito ng korte matapos na maglagak ng mala­king halaga ng piyansa.

Nabatid na si Peng, isa sa mga lider ng drug syndicate ay nasakote na noong Enero 2012 sa San Juan City matapos na  ito at ang kaniyang misis  na si Aina Laquire ay mahulihan ng droga  sa raid.

Nitong nakaraang taon ay muling nasakote si Peng sa raid sa Parañaque City pero muli namang nakapagpiyansa at nakalaya.

“The President is already looking into this. In a few days time,we will be informed.  Actually, we are trying to conduct further investigation to account the judge who allowed bail for such a non-bailable offense,”disyamadong pag-amin pa ni Ferro.

vuukle comment

DRUG TRAFFICKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with