^

Police Metro

Magbilas timbog sa P2.5-M shabu

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang magbilas sa isinagawang drug buy bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Special Enforcemen Group  (PDEA-SEG) kahapon ng tanghali sa lungsod ng Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Abdul Gaffar, 28, vendor, may-asawa ng Cacarong Mantanda, Pandi Bulacan, tubong Marawi City at bilas nito na si Jalanie Mangurse, 35, na dinala sa ospital makaraang mabaril sa kanang binti ng isa sa mga ahente ng PDEA na inagawan nito ng bag na may lamang baril.

Batay sa report ni PDEA Regional Director Levi Ortiz, dakong alas-12:00 ng tanghali nang maaresto ang magbilas sa bahagi ng Katigbak kanto ng Roxas Blvd.

Nabatid na mahigit isang buwang isinailalim sa surveillance operation ang dalawa dahil sa impormasyon na nagtutulak ng droga ang mga ito at nang makumpirma na positibo ang sumbong ay isinagawa ang buy bust operation.

Nasamsam sa magbilas ang nasa 500 grams ng high grade shabu na may street value na P2.5 milyon, isang unit Toyota Innova na kulay pula na may plakang ZGR-338.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with