^

Police Metro

Bangkay kinakain ng mga daga

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang bangkay ng matandang lalaki na may tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang natagpuang kinakain na ng mga daga sa isang gasolinahan sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Eliseo Tuazon Samia, 69-anyos, taxi driver at naninirahan sa No. 32A Gen. Malvar St., TS Cruz Compound, Brgy. San Agustin, Novaliches, Quezon City.

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang, matagpuan ang bangkay sa madilim na bahagi ng Susano Road malapit sa Shell gasoline station.

Ang biktima ay tadtad ng saksak ng patalim sa iba’t ibang bahagi ng katawan at natagpuang pinagpipistahan na ng mga daga.

Nabatid na nagpapatrol ang mga tauhan ng Novaliches police station nang maispatan ang bangkay ng biktima sa nasabing lugar.

Malaki ang hinala na ang biktima ay hinoldap at pinatay at saka itinapon sa nasabing lugar.

vuukle comment

ELISEO TUAZON SAMIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with