LTFRB pinabayaan ang paniningil ng P2 per minute ng Grab

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, hindi pinayagan ng ahensiya na makapaningil ang Grab ng P2 per minute sa pamamasada ng mga Grab drivers.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Lumabas sa katatapos na public hearing ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at mga opisyal ng Grab Philippines na pinabayaan ang patuloy na paniningil ng P2 per minute ng sa bawat pasahero nito.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, hindi pinayagan ng ahensiya na makapaningil ang Grab ng P2 per minute sa pamamasada ng mga Grab drivers.

Gayunman, hindi naman nagpalabas ng utos si Delgra na ihinto ang P2 per minute charge ng Grab bagkus ay sinabi nito na iimbestigahan muna ng ahensiya ang reklamo bago gagawa ng kaukulang aksiyon.

Sinabi ni Delgra na wala pa siyang magagawang aksiyon sa reklamo hanggat hindi natatapos ang gagawing pag imbestiga ng ahensiya sa ginagawang paniningil ng Grab sa P2-per minute charge.

 Ayon naman sa nagrereklamong si Congressman Jerico Nograles na dapat agad na mai-refund ng Grab Philippines ang ginawang overcharge mula sa 54 million trips ng Grab  mula June 2017.

Show comments