Rider tepok sa pick-up truck

MANILA, Philippines — Isang rider nasalpok ng isang pick-up truck matapos bumangga sa gutter ang minamanehong motorsiklo kamakalawa ng hapon sa Parañaque City. Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa ospital ay kinilalang si Christian Jay Biag, nasa hustong gulang, ng Block 9, Lot 5, Green City, Brgy. Malagasang II-A, Imus, Cavite.

Nasa kustodya na ng pulisya ang driver ng Isuzu Elf pick-up truck na si Allan Dela Cruz, 31, may-asawa, ng Pier South Gate 6, Intramuros Manila. Sa imbestigasyon bago naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon sa C-5 Road Extension, Brgy. San Dionisio ng naturang lungsod ay minamaneho ng biktima ang kanyang Suzuki motorcycle at binabagtas nito ang Northbound lane ng naturang lugar. Hindi nito nakontrol ang preno at sumalpok sa gutter at tumilapon na siya namang pagdating ng pick-up truck ni Dela Cruz at nasalpok ito.

Show comments