Pahinante nadurog sa ilalim ng trak
Ludy Bermudo (Pang-masa) - April 12, 2018 - 9:43pm

MANILA, Philippines — Nadurog ang ulo ng isang pahinante matapos na magulungan ng trak habang mahimbing na natutulog sa ilalim nito sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang nasawing si Gil Teroy Jr., 25, binata, iskwater lamang umano sa tabi ng no. 2022 Ipil st., Sta. Cruz, Maynila.

Nakakulong ang dri­ver ng trak (UNG-336) na si Jay S. Losloso, 24, binata, residente ng Dimasalang St., Sampaloc, Maynila na kinasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide.

Sa imbestigasyon, bago nangyari ang insidente dakong alas-9:45 ng umaga sa panulukan ng Felix Huertas at Ambrocio Lorenzo Sts., Sta. Cruz, Maynila ay pinapainit ni Losloso ang makina ng trak nang maramdaman niya na umangat ang gulong at nang tingnan ay nakitang nagulungan ang ulo ng kaniyang pahinante na hindi umano nito alam na roon natulog sa ilalim.

Problemado naman ang pamilya ng nasawi at driver na nakakulong ngayon dahil ayaw umanong tumulong ang kanilang amo na ang negosyo ay nagdedeliber ng mga bakal.

GIL TEROY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with