NAIA pasok sa no.10 ‘most improved airport’ sa buong mundo

MANILA, Philippines — Sa isinagawang survey ng pandaigdigang “research firm” na Skytrax ngayong taon ay nakasama sa “most improved airport” sa buong mundo ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa resulta ng 2018 World Airport Awards, nakopo ng NAIA ang ika-10 puwesto sa “The World’s Most Improved Airports”. 

Nangunguna sa kategoryang ito ang Rome Fiumicino, kasunod ang Peth, Calgary, Taiwan Taoyuan, Athens, Nadi, Montreal, Moscow Sheremetyevo at Houston Intercontinental.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal, na bagama’t maganda ang resulta, isa pa rin umanong malaking hamon na mapagbuti pa ang serbisyo ng NAIA, 

Muli namang nakuha ng Singapore Changi Airport ang taguring “World’s Best Airport” sa anim na sunod na taon.

Ang resulta ay nakalap buhat sa 13.73 milyong “questionnaires” na ikinalat sa 100 nationalities na mga customer ng mga paliparan mula Agosto 2017 hanggang Pebrero 2018.

 Kabilang sa mga ‘indicators’ sa pagtukoy sa pinakamahuhusay na paliparan mula sa 550 pagpipilian ang ‘check-in, arrivals, transfers, shopping, security, at immigration’.

Show comments