^

Police Metro

Messenger utas sa payroll holdap

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang messenger nang ito ay pagbabarilin ng isang gunman habang dala ang pera na pansuweldo sa naganap na holdap kamakalawa sa Brgy. Rubber, Polomolok, South Cotabato.

Ang nasawi ay kinilalang si Noby Alvares Suela, 37,may-asawa, residente ng Purok Pag-asa, Barangay Cannery Site ng bayan.Habang nasugatan naman matapos tamaan ng ligaw na bala ang mga biktimang sina Jeffrey Tumiklang, 23 at Jane Tayawon Casinto, 14.

Sa ulat, pasado alas-7:00 ng gabi ay nasa isang tindahan ang biktima na naghihintay sa mga kasama para ibigay ang kanilang sahod nang dumating ang isang lalaki na nakatakip ang mukha at walang kaabug-abog na pinagbabaril ang biktima sa ulo na kung saan tinamaan ng ligaw na bala sina Tumiklang at Tayawon.

Nang bumagsak ang biktima ay dali daling kinuna ng suspek ang sling bag ng biktima na may lamang P30,000 na pansuweldo at tumakas papunta sa plantasyon ng papaya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with