Natalo sa suntukan, pumatay

MANILA, Philippines — Hindi matanggap ng isang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) ang kanyang pagkatalo sa pakikipagsuntukan sa kabaro kung kaya’t pinagbabaril niya ito naganap sa kanilang detachment sa Pigcawayan, Cotabato, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Cafgu Noel Sauldan.

Ang suspek agad nasakote ay kinilalang si Cafgu Wilson Esonsa nakatalaga sa ilalim ng superbisyon ng Army’s 38th Infantry Battalion (IB).       

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-8:00 ng gabi sa detachment sa Brgy. Simsiman ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspek na humantong sa suntukan.

Dito ay natalo sa suntukan ang suspek dahilan higit na malaki ang pangangatawan at mas malakas ang biktima.

Upang makaganti ay kinuha ang kaniyang carbine rifle at pinagbabaril ang nasorpresang si Sauldan na agad na duguang bumulagta sa insidente.

Lumalabas sa imbestigasyon na may matagal nang alitan ang dalawa.

Show comments