^

Police Metro

5 suspek sa pagpatay sa high school student, timbog

Pang-masa
5 suspek sa pagpatay sa high school student, timbog

Ang mga suspek ay kinilalang sina Kyle Joves y Sumayod,16; Jim Leo Villaba y Reganion at Earlberth Solera, kapwa 19; Jigo Guerzon,16; at Ryugene Adany Bico ng Brgy. Poblacion, Makati City.? File

MANILA, Philippines — Inihayag ni Makati Mayor Abby Binay na naaresto na ang limang kabataan na suspek sa pagpatay sa isang 18-anyos na estudyante ng San Antonio National High School nitong Biyernes.?

Ito ay matapos atasan ng alkalde si Makati Police Chief Supt. Gerardo Umayao na kaagad tugisin ang mga may kinalaman sa pagkamatay ng biktima na si John Ernest Rivera y Canseco, residente ng Brgy. La Paz, Makati City.?

Ang mga suspek ay kinilalang sina Kyle Joves y Sumayod,16; Jim Leo Villaba y Reganion at Earlberth Solera, kapwa 19; Jigo Guerzon,16; at Ryugene Adany Bico ng Brgy. Poblacion, Makati City.?

Nanawagan si Mayor Abby sa mga magulang, mga guro at opisyal ng paaralan, at mga opisyal ng barangay na makipagtulungan sa pamahalaang lungsod at kapulisan upang maiwasang maulit ang insidente ng karahasan sa hanay ng mga kabataan.?

Labis na ikinababahala ng alkalde ang pagkakasangkot ng mga kabataan sa Makati sa mga fraternity o gang na maaaring mauwi sa krimen tulad ng nangyari noong Biyernes.?

Nagpaabot din ng pakikiramay ang alkalde sa pamilya ng biktima, at nangakong tututukan niya ang kaso hanggang malutas ito at mapanagot ang mga may kagagawan ng krimen.? ?

Batay sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang insidente bandang alas-4:30 ng hapon noong Peb­rero 9, 2018 sa tapat ng San Antonio High School ay nagpunta ang biktima kasama ang ilang mga kaibigan sa paaralan.

Inabangan ng ilang kasapi ng Youth Scorpion Fraternity (YSF) ang biktima at nang lumabas ang biktima ay  nilapitan ito ng isang miyembro ng frat at agad sinuntok.

Habang nagkakagulo ay bumunot ng patalim ang ilang fraternity member at pinagsasaksak ang biktima na idineklarang dead on arrival sa Sta. Ana Hospital sa Maynila.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with