13-anyos estudyante pisak sa ‘hit & run’

MANILA, Philippines — Patay ang isang 13-taong gulang na babaeng estudyante matapos masagi, maipit at sagasaan ng dump truck truck na tumakas sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay kinilalang si Alma Espino, 13, Grade 7 student ng 420 Gen. Malvar St., Brgy. Batis, San Juan City. 

Sa imbestigasyon ni PO3 Elmer Matibag ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 4, alas-4 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa Aurora Boulevard corner  Balete Drive, Brgy. Kaunlaran sa Cubao.

Ayon sa testigong si May Cuyos, 13, nakasakay sila ng tricycle kasama ang biktima at ilang pang kaibigan at binabagtas ang Aurora Boulevard nang dumating ang rumaragasang trak galing namang Balete Drive. Dahil sa tulin ng trak,  nasagi nito ang tricycle na sinasakyan ng biktima na nasa backride kaya nahulog ang huli.

Sa halip na huminto ang dump truck, sinagasan pa umano nito ang biktima at mabilis na tumakas ang driver kasama ang kanyang pahinante na parehong hindi pa nakikilala.

Agad na nakapagresponde sa lugar sina Insp. Rosemarie Guevarra, PO3 Rogelio Cortes, PO1 Johnrily Apanto, PO1 Richard Hillis at SPO1 Romeo Lavarias at grupo ng MMDA rescue team sa pangunguna ni Denise Estocapio na siyang nagdala sa biktima sa East Aveneu Medical Center pero idineklarang dead-on-arrival.

 

Show comments