2 lalaki sangkot sa droga niratrat sa Navotas, patay

Dead-on-the-spot ang biktimang si Jolan Naval, 38, habang si Allister Leslie San Pedro, 28, naman ay hindi na umabot nang buhay sa Navotas City Hospital. Inoobserbahan naman sa naturang ospital sanhi ng tama sa katawan ang kasama nilang si Princess Galing, ng Sampaloc, Tanay, Rizal.
File

MANILA, Philippines — Dalawang lalaki na  hinihinalang sangkot sa droga ang patay habang nasa kritikal na kondisyon ang kasama nilang 18-an­yos na dalaga matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Jolan Naval, 38,   habang si Allister Leslie San Pedro, 28,  naman  ay hindi na umabot nang buhay sa Navotas City Hospital. Inoobserbahan naman sa naturang ospital sanhi ng tama sa katawan ang kasama nilang si Princess Galing,  ng Sampaloc, Tanay, Rizal.

Sa ulat ni PO3 Allan Bangayan ng Homicide Section, Navotas City Police, alas-9:00 ng gabi habang lulan ang mga biktima ng Mitsubishi Adventure na nakaparada sa kahabaan ng Daanghari St., Brgy. Daanghari ng naturang lungsod nang biglang dumating ang isang lalaki at pinaulanan sila ng bala at saka mabilis na tumakas.

 Dahil sa insidente, kaagad na binawian ng buhay si Naval samantalang mabilis namang dinala sa ospital ng ilang saksi sina San Pedro at Galing.

Si San Pedro ay idineklarang dead-on-arrival.

Narekober ng pulisya mula sa loob ng saskyan mga biktima ang  kalibre .9mm Cherokee pistol, dalawang magazines na kargado ng 31 bala,  ilang drug paraphernalia at 23 basyo ng bala buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Isa sa mga teyorya ng  pulisya,  na posibleng alitan sa droga nang magkakompitensiyang grupo ng sindikato ng droga ang motibo nang  pamamaril.

 

Show comments