6 katao dinukot ng Abu Sayyaf

MANILA, Philippines — Anim na katao ang dinukot ng mga armadong kalalakihan na nagpakilalang mga miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) nitong Martes ng gabi sa Brgy. Latih, Patikul, Sulu.

Ang mga binihag ay kinilalang sina Jessy Trinidad, 55; Nene Trinidad, 56; Aloh Trinidad, 22; Lucy Hapole, 21; Junjun Hapole, 13 at  Nelson Hapole, 7.

Batay sa ulat na nakarating kay Brig. Gen. Cirilito Sobejana, dakong alas-8:45 ng gabi nang mangyari ang pagdukot sa mga biktima sa Phase 4, Kalimayahan Village, Brgy. Latih.

Agad namang inireport ng mga concerned citizen sa Joint Task Force (JTF) Sulu at PNP ang nagresponde sa lugar, su­balit nabigong abutan ang mga kidnaper na mabilis na tumakas tangay ang panibagong mga bihag.

Nagsagawa na ng search and rescue operations ang tropa ng militar upang tugisin ang mga kidnaper.

Show comments