Rider dinedo ng nasagi

MANILA, Philippines — Pinagtataga ng itak ang isang motorcycle rider ng isang lalaki na nasagi ng kanyang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Bacoor City, Cavite.

Namatay habang ginagamot sa ospital ang biktimang si Jerry Bogador, 43, ng Block 7, Lot 3, Village Homes, Brgy. Queensrow West ng nasabing bayan.

Nakilala naman ang nakatakas na suspek na si Rolly Salazar, ng Block 12, Lot 6, Village Homes, Brgy. Queensrow West.

Bago nangyari ang krimen dakong alas-8:30 ng gabi ay minamaneho ng biktima ang kaniyang motorsiklo at pagdaan sa may Santan St., harap ng Block 1, Lot 10 ay aksidente nitong nasagi ang suspek na naglalakad na nagresulta ng mainitan nilang pagtatalo.

Nang matapos ang pagtatalo ay umalis ang biktima, at ilang oras sa pagbalik nito ay nakaabang ang suspek kaya’t sa pagdaan ng una ay doon na siya pinagtataga ng huli.

Naisugod ang biktima sa South East Asian Medical Center, subalit nasawi din habang ginagamot

Show comments