Roque pinagbibitiw si CJ Sereno

MANILA, Philippines — Makakabuti umano na magbitiw na lamang sa kanyang puwesto si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno kaysa mapatalsik ito sa puwesto sa pamamagitan ng impeachment.

Ito ang paniniwala ni Presidential Spokesman Harry Roque na kanyang inihayag sa media briefing sa Malacañang.

Anya, hindi nakikialam ang Malacañang para siraan o wasakin ang judiciary gaya ng alegasyon ni Chief Justice Sereno.

“I think it is high time now for the CJ Sereno to re-examine now the impact of another high official is removed from post. Consider resigning, if only to spare the institution from further damage,” paliwanag pa ni Roque sa Malacañang reporters.

Samantala, nanindigan si Sereno na hindi ito bababa sa pwesto sa kabila nang panibagong panawagan mula mismo sa Malacañang.

Ito ang sinabi ng isa sa tagapagsalita ng Chief Justice na si Atty. Carlo Cruz at hindi kasama sa mga opsyon nito ang pagbibitiw sa pwesto at haharapin ang impeachment proceedings para na rin mapanatili ang dignidad at pagiging independyente ng Supreme Court at ng mismong  tanggapan ng Chief Justice.

Show comments