18 NPA rebels sumuko

MANILA, Philippines — Sumuko sa tropa ng militar ang 18 miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA)  sa Senador Ninoy Aquino, Sultan Kudarat kahapon.

Ang mga nagsisukong rebelde ay pormal na iprinisinta ni 1st Lt. Austin John Jamora, Commanding Officer ng Alpha Company kay Senador Ninoy Aquino Mayor Randy “Junjun” Ecija Jr.

Nabatid na nagdesis­yon umano ang mga rebelde na magsisuko matapos na mapagtantong mali ang ideolohiyang kanilang ipinaglalaban.

Isinuko rin ng mga rebelde na pawang kasapi ng Guerilla Front (GF) 73 ng communist rebels ang kanilang mga armas.

Show comments