Pulis dinedo ng kabaro .

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas ang isang pulis nang barilin ng isang pulis matapos na magkaroon ng pagtatalo kamakalawa ng gabi sa Magsaysay Avenue,Poblacion A, Mlang, North Cotabato.

Ang nasawi ay kinilalang si PO3 Lloyd Platon, nakadestino sa T’boli PNP, South Cotabato habang sugatan ang kasama nitong si Wendel Papna.

Tumakas ang suspek na kinilalang si PO1 Vergel Rivera, nakadestino sa Davao area at residente ng Mlang.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-11:55 ng gabi ay nakasibilyan si PO3 Platon na bumibili ng barbecue sa kalsada nang mapadaan si PO1 Rivera na nakasuot ng sibilyan at nakita na may nakasukbit na baril ang una.

Sinita ni PO1 Rivera si PO3 Platon kung bakit may sukbit itong baril sabay tanong kung ito ay isang pulis.

Hindi umano nagustuhan ni PO3 Platon ang pagtatanong ni PO1 Rivera hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot ng baril ang huli at pinagbabaril ang una

Show comments